^

Police Metro

Rally vs NCAP ilalarga ng transport groups

Angie dela Cruz, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naghahanda na ang mga transport group at private motorist sectors sa pangunguna ng Stop NCAP Coalition para sa gagawing kilos protesta upang kondenahin at ipatigil ang implementasyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa Lunes ng umaga (Hunyo 2) sa UP Diliman, Quezon City.

Ayon kay Jun de Leon, convenor ng Stop NCAP Coalition at National President ng Laban TNVS, patuloy silang magsasagawa ng pagkilos upang tututulan ang NCAP. Aniya, takda silang magsampa ng motion for reconsideration sa Korte Suprema para ibalik ang pagpapatupad ng Temporary Restraining Order (TRO) sa NCAP.

Paliwanag ni de Leon, kung hindi minadali na ipatupad muli ang NCAP noong Mayo 26, sana ay walang naging pagtutol kung maayos ang proseso ng pagpapatupad muli ng NCAP.

Nagbunga aniya ng kung anu-anong gulo at hindi na makatarungan na sobrang taas ng multa, na kinukuha na ang halos buong kita na pinaghirapan ng mga driver at rider, sinadya man o hindi ang violations.

Binigyang diin ni de Leon na kailangan pang pag-aralang mabuti ang NCAP bago ito maipatupad lalo pa’t nagdulot ito ng epekto sa mga moto­rista nang tanggalin ng NCAP ang lane markings, potholes at masyadong mataas ang penalty ng mga mahuhuli  sa NCAP.  

NCAP

TRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with