Cashless sa LRT, MRT umpisa na sa Hulyo
MANILA, Philippines — Ipatutupad na rin ang cashless transaction gamit ang mobile wallet, debit at credit card sa light rail transit (LRT) at metro rail transit (MRT) sa susunod na buwan (Hulyo).
Bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing mas maginhawa ang pampublikong sasakyan, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na puwede nang magbayad ang mga pasahero ng LRT at MRT gamit ang debit o credit card at mga mobile wallet platform tulad ng GCash at PayMaya.
Aniya, magsisimula na silang mag-deploy ng mga cashless turnstile para maipatupad na ang automatic fare collection (AFC) system sa LRT at MRT sa buwan ng Hulyo.
“Mga bandang July ito, if I’m not mistaken. I-implement na natin sa MRT at sa ibang mga tren natin. Alam ko pati credit card puwede na. Ita-tap mo na lang ‘yung phone mo. Hindi ka na kailangan bumili ng beep card,” ani Dizon.
- Latest















