Napoles guilty uli sa graft

MANILA, Philippines — Hinatulang guilty ng Sandiganbayan 7th Division ang negosyante si Janet Napoles kaugnay ng kasong graft hinggil sa P2.7 milyon Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Kasama rin sa sinintensiyahang makulong ng anim hanggang walong taon sina dating Technology Resource Center (TRC) deputy director general Dennis L. Cunanan,Group Manager Maria Rosalinda M. Lacsamana, private individual na si Evelyn D. De Leon at Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon.
Sina Napoles ay napatunayang guilty sa kasong graft bunsod ng paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act No. 3019, ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ang hatol ay nakasaad sa 191-page decision ng Sandiganbayan na isinulat nitong Mayo 30 ni Associate Justice Zaldy V. Trespeses na sinang ayunan naman ng Special Seventh Division Chairperson at Associate Justice Ma. Theresa Dolores C. Gomez-Estoesta at Associate Justice Georgina D. Hidalgo.
Kaugnay nito, napawalang sala naman sa kasong ito sina dating Department of Budget and Management (DBM) undersecretary Mario L. Relampagos, group manager for Corporate Support Services Francisco B. Figura, internal auditor Maurine E. Dimaranan at budget officer Consuelo Lilian R. Espiritu dahil sa kakulangan ng ebidensiya na nagdidiin sa mga ito sa kaso.
Samantala, ikinagulat ng kampo ni Biazon ang naging hatol ng Sandiganbayan lalo na’t nauna na itong naabswelto sa isang kaugnay na kaso hinggil sa paggamit ng pondo ng bayan.
Ang nasabing kaso ay ibinasura ng Sandiganbayan sa pamamagitan ng demurrer to evidence, dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.
- Latest















