^

Police Metro

‘Kaunlaran, Hindi Propaganda’: NTF-ELCAC rumesbak sa NUPL

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol kahapon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang National Action Plan for Unity, Peace and Development (NAP-UPD) laban sa mga batikos ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), sabay babala na ang retorika ng grupo ay walang ibang layunin kundi protektahan ang bigong armadong kilusan.

Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director Usec. Ernesto C. Torres Jr., lagi nilang pinipili ang kaunlaran kaysa propaganda.

Ang mga tinatawag na patay na polisiya ay nagbunga na ng serbisyong nagliligtas ng buhay.

Makikita ito sa tapos nang kalsada, klinika, silid-aralan, at kabuha­yan sa mga barangay na dati’y hawak ng CPP-NPA-NDF.

Binatikos ni Torres ang   luma nang islogan ng NUPL ukol sa “repression” at ang tangka nitong ipinta ang NAP-UPD bilang muling pag-uulit ng isang nabigong estratehiya.

Sinabi ni Torres na ipinakikita lamang ng NUPL ang kanilang pagiging “ipokrito” at panusurin ang iilang sibilyan sa kanilang mapanlinlang adhikain.

Tinawag ni Torres na “luma nang klisey” ang mga argumento ng NUPL, at hinamon ang grupo na bumisita sa mga barangay leaders na ak­t­uwal na nagpapatupad ng mga programang kanilang kinukutya.

PROPAGANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with