Arnie Teves arestado sa Timor-Leste

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga immigration police sa Timor-Leste si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr., na humingi ng asylum sa nasabing bansa.
“At around 8 p.m. yesterday (Dili time), our client, Rep. Armolfo Teves, was taken from his residence in Dili together with his Timor Leste counsel, Dr. Joao Serra, by immigration police. The lawyer was manhandled by the said police,” ani Atty. Ferdinand Topacio, na abogado ni Teves.
Ayon pa kay Topacio, walang ipinakitang warrant at sapilitang dinala si Teves at ang kanyang lokal na abogado sa kustodiya.
Maging ang anak ni Teves na si Axl Teves ay kinumpirma sa kaniyang 10 segundong facebook video na ang kaniyang ama ay puwersahang kinuha alas-8:00 ng gabi ng mga otoridad.
Si Teves ay pangunahing akusado sa pagpaslang kay Gov. Roel Degamo at siyam na iba pa noong 2023 at ito ay nasa Timor-Leste na humihirit ng asylum matapos itong tumakas sa Pilipinas.
- Latest



















