Marcos dedma sa mababang trust ratings

MANILA, Philippines — Ipinagkibit-balikat na lang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mababang trust ratings at hindi dapat gawing basehan sa trabaho.
Base sa Pulse Asia survey, nasa 32% lamang ang trust ratings ni Pangulong Marcos habang si Vice President Sara Duterte ay nakakuha ng 50% na ang survey ay isinagawa nitong Mayo 6–9 sa 1,200 registered voters.
“Madaming ibang survey. Let’s not base it on one,’’ pahayag ni Pangulong Marcos.
Tanong ni Pangulong Marcos sa media kung anong kumpanya ang nagsagawa ng survey sagot naman ng media, Pulse Asia.
“Again, let’s look at other surveys before we—know your source. That’s a—that’s always an… Imperfect information makes you make imperfect decisions. The more perfect your information, the more perfect your decision will be. That is one source of information, and you have to understand where it’s actually coming from,” wika ng Pangulo.
- Latest


















