^

Police Metro

Magpinsang paslit nalunod sa beach resort

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang magpinsang paslit ang nasawi nang sila ay malunod beach resort kung saan ay ginaganap ang reunion sa Barangay Sabang Silangan, Ca­tanauan, Quezon, ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina “Trisha”, at “Jayrence”, kapwa 6-anyos at mga residente ng Barangay 10, Catanauan, Quezon.

Sa imbestigasyon ni Pat. Leomar Bagsit, nagtungo sa beach resort ang magkakaanak, ala-1:30 ng hapon upang magdaos ng kanilang family reunion.

Nang makalingat umano ang mga magkakaanak ay nagtu­ngo ang magpinsan sa dalampasigan at kagyat na nagtungo sa dagat saka naglangoy.

Dahil malakas ang hampas ng alon ay tina­ngay ang magpinsan sa malalim na parte ng dagat at nang mapansing nawawala ang mga ito ay pinagtulung-tulungang hanapin.

Makalipas ang mahigit sa isang oras ay natagpuan ang dalawa na nakalutang at mabilis na dinala sa Bondoc Peninsula District Hospital, subalit nalagutan at idineklarang dead on arrival.

DROWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with