^

Police Metro

Mayor Salceda: HEART 4S program para sa Albay 3rd district

Pang-masa

POLANGUI, Albay, Philippines — Tiniyak ni Mayor Raymond Adrian Salceda ng bayang ito na matagumpay na isusulong ng kanyang programang HEART 4S ang kaunlaran ng Albay 3rd district, kung siya’y mahahalal na kinatawan nito sa nalalapit na eleksiyon, gaya ng kahanga-hangang nagawa nito sa kanilang bayan.

Bukod sa pagiging punong bayan, si Mayor Salceda rin ang kasalukuyang Pangulo ng ‘League of Municipalities of the Philippines (LMP)-Albay Chapter.

’ Siya’y anak ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, na magtatapos din ang turno sa Kamara sa darating na Hunyo at tumatakbong balik-Gobernador ng Albay na dati niyang hinawakan mula 2007 hanggang 2016.

Ang “HEART” ay tumitindig sa ‘H-Health, E-Education, A-Agriculture, R-Rural Infrastructure, and T-Tourism, Trade and Transportation;’ samantalang ang “4S” naman ay tumatayo sa ‘Social Services, Senior Citizens and Solo Parents, Small and Micro Enterprises, and Sports and Youth Development.’

Ipinaliwanag ni Mayor Salceda na ang kanyang “HEART 4S development plan” ay nakatuon sa ilang mga usapin, kasama ang “kalusugan para sa lahat, kalusugan ng mga pamayanan, at iba pang isyung kaugnay ng mga ito.”

“Masugid naming isinulong ang mga programang ito at ang Polangui ay naging kauna-unahang bayan sa Pilipinas na nagkaroon ng ‘Responsible Parenthood and Reproductive Health Care Center’ na may mga ‘preventive health care programs,’ gaya ng ‘promotion of healthful habits and diets, vaccinations, hygiene, preventing communicable diseases, and innovative approaches to address mental health issues’ sa pamayanan,” madiin niyang paliwanag. Idinagdag rin niya na pangunahing layunin ng programa ang ‘Education for All’ upang magkaroon ng pagkakataon ang mga mamamayan sa may kalidad na edukasyon. Ayon kay Mayor Salceda, layunin din niya na itaas ang antas ng Albay 3rd district bilang isang “agro-industrial area with training centers, and Farm and Fisheries Consolidation Programs” na magiging daan upang makasali ang mga mamamayan nito sa “Agri-Industrial Business Corridor programs” ng Department of Agriculture.

Masugid ding itinutulak ni Mayor Salceda ang ‘Edible Landscaping sa Barangay Program’ at regular na mga ‘agricultural fairs’ at “land consolidation and share service facilities” na suportado ng mga ‘rural infrastructures; na itinuturing niyang daan partungo sa “agro-industrial and rural development.” Binigyan din niya ng diin na ang kanyang HEART 4S ay may malakas na programa para sa mga ‘senior citizens and solo parents’ gaya ng libreng pagsasanay at sertipikasyon ng TESDA;’ libreng pagsasanay sa mga ‘Agricultural Training Institutes’ ng mga LGU; ‘seniors-at-work program ng mga partner firms’ na magkakaroon naman ng bawas sa kanilang ‘business taxes dahil paghirang nila ng mga ‘seniors;’ tawad sa mga bilihin sa mga “partner establishments; home or farmstead RPT amnesty and discounts on prompt payments;” at ‘Hatid-Gamot-at-Ayuda program.’

Bilang isang matatag na sumusuporta sa ‘Magna Carta for Solo Parents,’ isinusulong din ni Salceda ang pagtatatag ng mga ‘Barangay and Municipal Solo Parents’ Desks’ sa mga LGU at iba pang kaugnay na mga ahensiya, at pagbibigay tawad bayarin nila sa mga ‘partner establishments, counseling and legal services,’ at mga benepisyong makakatulong sa kanila.

ELEKSIYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with