Solid North Bus tigil muna sa operasyon

Sa pagkamatay ng 12 katao sa SCTEX
MANILA, Philippines — Nagpasya ang pamunuan ng Pangasinan Solid North Bus Company na itigil muna ang lahat ng kanilang operasyon matapos iutos ng Department of Transportation (DOTr) na suspendihin ng 30-araw ang buong fleet nito habang iniimbestigahan ang madugong salpukan ng mga sasakyan sa SCTEX-Tarlac nitong nagdaang araw.
Ang Solid North Bus na pinangangasiwaan ng Dagupan Bus Company ay napaulat na nabangga ng kanilang bus ang apat pang ibang sasakyan na kumain ng 12 buhay at pagkasugat ng 27 katao.
“In compliance with the directive of DOTr, Pangasinan Solid North Transit, Inc. (PSNTI) has stopped its whole operations. For its patrons, unless otherwise provided, all trips of PSNTI are temporarily suspended. Effectively, all affected advance bookings may request for their respective cancellations,” ayon sa abiso ng Pangasinan Solid North
Ayon sa naturang bus company, nauunawaan nila ang bigat ng suspension order sa kanila pero handa naman sila para rito.
Una nang inutos ni Transportation Secretary Vince Dizon na suspendihin ng isang buwan ang lahat ng unit ng Pangasinan Solid North na dati ay umaabot lamang sa 15 bus ang isinailalim sa suspension order.
Nilinaw ni Dizon na buong fleet na ng Pangasinan Solid North ang suspendido hindi lang ang rutang papuntang Pangasinan kung saan nangyari ang aksidente, kundi ang buong fleet na ng Pangasinan Solid North ay sakop na ng 30 days suspension.
- Latest















