NCSC Commissioner sinibak
MANILA, Philippines — Sinibak ng Malakanyang si National Commission for Senior Citizens (NCSC) Commissioner Reymar Mansilungan dahil umano sa pagbibigay ng mga bonuses sa mga hindi kuwalipikadong personnel.
Ang dismissal order ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin matapos mapatunayan ang mga reklamo laban kay Mansilungan.
Kabilang sa mga reklamo na nakasaad sa dismissal order ay serious dishonesty, grave misconduct, at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Sinabi ni Bersamin na dapat manatiling tapat ang mga opisyal at kawani ng gobyerno at sumusunod sa mandating nakapaloob sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Maliban dito mahalaga rin aniya ang integridad sa mga nasa gobyerno at walang puwang ang sinoman na gumagawa ng dishonesty.
Naunang nang sinuspinde ni Bersamin si Mansilungan noong Pebrero 2024 dahil sa reklamong isinampa ng isang Miguelito Garcia tulad ng misrepresentation ng kaniyang educational background sa kaniyang aplikasyon bilang NCSC Commissioner at ginamit umano ang pera ng gobyerno para umupa ng opisina sa Lucena City, subalit natuklasang residential building at walang opisyal na resibo.
- Latest
















