^

Police Metro

 “Agri traders, read my lips. I’m watching you!” – Ben BITAG Tulfo 

Pang-masa
 “Agri traders, read my lips. I’m watching you!� – Ben BITAG Tulfo 
Ben Tulfo

ZAMBOANGA CITY, Philippines — Hindi pa man nangyayari, nagbabala na si senatorial candidate Ben BITAG Tulfo laban sa pananamantala ng mga trader sa maliliit nating mga  mangingisda at magsasaka ng seaweeds.

Sa isang press conference, nanawagan si Ben BITAG Tulfo sa mga kapatid niya sa industriya ng media na maging kabahagi ng “watchdog.” Bantayan ang mga kilos at galaw ng mga trader na taga-labas na namimili ng mga seaweeds at ­huling isda.

Kamakailan, binuksan na ng Department of Transportation (DOTr) ang Tigtabon Port sa Zamboanga Province. Ito ay para agarang makaabot ang mga ani ng seaweeds at mga huling isda ng mga “islander” sa mainland.

Sa pakikipagtulungan nina DOTr Sec. Vince Dizon at Agriculture Sec. Frannie Tiu Laurel, titiyakin ng senatorial candidate na maging kabahagi ang kaniyang tanggapan sa Senado at ng BITAG na mapangalagaan ang mga maliliit nating mga  mangingisda at magsasaka ng seaweeds.

Ayon sa tumatakbong senador, dapat masigasig sa pagbabantay ang mga kapatid niya sa industriya ng media laban sa mga pananamantala, pang-aabuso at panloloko ng mga trader.

Anya, huwag natin silang bigyan ng puwang na makapang-abuso, makapanloko. Nakatingin sya sa sektor ng mga ma­ngingisda at magsasaka.

BEN TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with