^

Police Metro

Magdyowa na sangkot sa droga, itinumba

Omar Padilla - Pang-masa
Magdyowa na sangkot sa droga, itinumba
Kinilala ang ­lalaking nasawi na si alyas ­Edwin at umano’y dyowa nito, nasa edad 20-anyos pataas na kanyang angkas at kapwa residente sa nasabing lugar.
STAR / File

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang mag­dyowa na magkaangkas sa motorsiklo nang sila ay pagbabarilin ng isang rider sa Northville 4B, Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang ­lalaking nasawi na si alyas ­Edwin at umano’y dyowa nito, nasa edad 20-anyos pataas na kanyang angkas at kapwa residente sa nasabing lugar.

Sa ulat, pauwi na ang mga biktima nang ­paputukan ng rider na nakasuot ng itim na long sleeves, face mask at lulan ng Yamaha Mio motorcycle halos l­imang metro ang layo sa kanilang inuupahang ­bahay ng mga biktima.

Agad na tumakas ang suspek sa direksyon patungong lungsod ng Meycauayan.

Ayon sa pulisya nare­kober sa bangkay ng ­lalaki ang 38 sachets na hinihinalang ­shabu sa short at baril na ­nakasukbit sa beywang.

Nabatid na nasa dalawang linggo pa lamang nangungupahan ang mga biktima sa bahay sa nasabing lugar.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->