^

Police Metro

2-anyos lalaki sinaksak ng stepdad, patay

Joy Cantos - Pang-masa
2-anyos lalaki sinaksak ng stepdad, patay
Hindi na pinangalanan ang mag-ina na kapwa dinala sa Diosdado Macapagal Memorial Hospital sa Guagua. Pampanga pero idineklarang dead-on-arrival ang bata habang patuloy namang ginagamot ang nasabing ginang.Habang suspect ay kinilala lamang sa pangalang Harold.
STAR/ File

Matapos gulpihin ang nanay

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay ang isang 2-anyos na batang lalaki habang ang kanyang ina ay nasa kritikal na kondisyon matapos na sila ay saksakin ng ka-live ng huli, naganap, kamakalawa sa Lubao, Pampanga, ayon sa ulat kahapon.

Hindi na pinangalanan ang mag-ina na kapwa dinala sa Diosdado Macapagal Memorial Hospital sa Guagua. Pampanga pero idineklarang dead-on-arrival ang bata habang patuloy namang ginagamot ang nasabing ginang.Habang suspect ay kinilala lamang sa pangalang Harold.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 3 Brig. Gen. Jean Fajardo, bago naganap ang insidente sa tahanan ng maglive-in partner, alas-4:30 ng madaling araw ay inaway at sinaktan ng suspek ang nanay ng biktima.

Nagawa namang makatakbo ng ginang sa gitna na rin ng pambubugbog ng kanyang live-in partner na si Ha­rold, pero naiwan ang kaniyang anak na 2-anyos.

Ilang oras pa ay binalikan ng ginang ang kaniyang anak at dito na nito nadatnan ang bata na duguan na tinangka nitong kunin pero inatake rin siya ng saksak ng live-in partner.

Sa pursuit operations ng pulisya ay nasakote naman ang suspect, alas-12:30 ng hapon sa nasabi ring bayan at inaresto rin rin ang tiyuhin nito na si Ronald matapos nitong pigilan ang mga ope­ratiba na arestuhin ang pamangkin.

Narekober mula sa suspect ang isang granada at dalawang mobile cellphones habang nahaharap naman ito sa kasong homicide, frustrated homicide at Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act), at illegal possession of firearms, ammunition and explosives cases. Ang tiyuhin nito ay ipagsasakdal naman ng kasong obstruction of justice.

JEAN FAJARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with