^

Police Metro

Hipag sinaksak ng bayaw, patay

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 41-anyos na ginang ang idineklarang dead-on-arrival sa ospital matapos na saksakin ng kanyang bayaw sa gitna ng kanilang pagtatalo sa harap ng kanilang bahay sa Purok-5, Brgy. Tariric, Minalabac, Camarines Sur, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Rowena Sapinoso, may-asawa, residente ng naturang barangay. Agad namang naaresto ang bayaw na suspek na kinilalang si Vergel Sapinoso, 44-anyos, construction worker.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen, alas-4:00 ng hapon ay nasa harap ng kanilang bahay ang biktima nang dumating ang suspek at sa hindi malamang dahilan ay nagtalo ang dalawa.

Sa gitna nang mainit na pagtatalo ay umuwi sa kanyang bahay ang suspek at pagbalik ay armado na ito ng patalim at agad inundayan ng saksak ang hipag sa ­tiyan na duguang humandusay.

Mabilis na isinugod ng mga kaanak at residente ang duguang biktima sa Bicol Medical Center sa Naga City pero idineklarang dead-on-arrival.

ROWENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with