^

Police Metro

Death threats tinotoo, lady trader tinodas!

Ludy Bermudo - Pang-masa
Death threats tinotoo, lady trader tinodas!
Kinilala ang biktimang si alyas “Leticia”, residente ng Central Village, Barangay Pinagsama, Taguig City.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines — Isang 64-anyos na negosyanteng babae na nakatatanggap ng death threats ang pinagbaabril hanggang sa mapatay ng hindi kilalang salarain sa Western Bicuatn, Taguig City, Biyernes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si alyas “Leticia”, residente ng Central Village, Barangay Pinagsama, Taguig City.

Persons of interest sa krimen ang isang alyas “Kash Sing” at isang alyas “Joseph” na kapwa residente ng Western Bicutan, Taguig City.

Sa ulat ng Taguig City Police, ipinaalam ng concerned citizen sa barangay na may isang babaeng duguan na nakahandusay sa Sampaguita St., Western Bicutan kaya agad nires­pondehan ng Police Sub-station 2. Agad isinakay ang biktima sa Barangay Rescue vehicle subalit idineklarang dead-on-arrival sa Taguig-Pateros District Hospital.

Alas-10:35 ng umaga ng Marso 28 ay nagtungo sa barangay hall ang biktima at ini-report ang natanggap niyang death threat ng gabi ng Huwebes mula umano kay “Kash Singh” na nagsabing “Bakit ka nagpabarangay sumusobra na, sige humanda ka may pagkakalagyan ka.”

LETICIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with