Pangangalaga sa kalusugan, kapakanan ng seniors iginiit ni Bong Go
MANILA, Philippines — Muling pinagtibay ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang kanyang pangako na patuloy na isusulong ang kanyang kanyang krusada para sa pangangalagang kalusugan at kapakanan ng senior citizens.
Sa kanyang pagdalo sa Annual General Assembly ng Abraham Senior Citizens Association noong Martes sa Parañaque Sports Complex, inihayag ni Go ang mga pangunahing batas na kanyang ipinaglaban mula noong 2019 habang binibigyang-diin ang malalim at personal niyang koneksyon sa mga matatanda.
Sinabi ni Go na kahit isang session ay hindi siya lumiban sa Senado para sa pagseserbisyo sa mga Pilipino sa abot ng kanyang makakaya.
Tinutukan niya ang tatlong batas na angkop sa pangangailangan ng seniors citizens at vulnerable Filipinos.
Kabilang sa mga ito ang Republic Act No. 11982 o ang Amendments to the Centenarian Act, na siya ring co-author at co-sponsored.
Para kay Senator Go, ang cash gift na ito ay higit pa sa tulong—ito ay isang pagkilala sa lifetime of hard work, family-building, at quiet contributions sa bansa.
Muling iginiit ni Senator Go na ang kanyang trabaho sa Senado ay nananatiling nakaangkla sa pagpapabuti ng serbisyong medikal para sa lahat.
- Latest