Usaping food at transpo allowance, tinalakay ng TRABAHO
MANILA, Philippines — Naghain ng plataporma si TRABAHO Partylist nominee Ninai Chavez sa mga residente ng Pagbilao, Quezon noong March 18, 2025 sa tulong ni Vice Mayor Gary Alcala, na kung saan ay naging matagumpay ang ginawang pakikipagtalakayan ng TRABAHO, bilang 106 sa balota.
“Gusto rin namin [TRABAHO] ng karagdagang-benepisyo [para sa mga manggagawa],” sabi ni Chavez.
“Ano ba naman food allowance? Ano ba naman ang transpo [transportation] allowance? Malaking tulong na po sa atin po iyon,” dagdag pa niya.
Ayon sa nominee, ang kinikita ng mga manggagawa ay dapat may allowance para sila ay makapag-ipon, at upang mayroon silang mahuhugot pambayad sa mga emergency expenses o hindi inaasahang bayarin.
Aprubado naman ang naging talakayan sa mga taga-Pagbilao na makikita sa isang video na nagstanding ovation habang isinisigaw ang “106 TRABAHO Partylist”.
Ipinakilala rin kamakailan nina Mayor Mark Alcala at Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang TRABAHO sa mga Lucenahin, na nagsilbing daan upang maipamahagi ang plataporma at legislative agenda ng nasabing partylist sa mga residente ng Lucena.
- Latest