5 Chinese POGO workers na tumakas naaresto sa Tawi-tawi
MANILA, Philippines — Naaresto sa Tawi-Tawi habang nagtatangkang tumakas palabas ng bansa ang limang Chinese nationals na blacklisted na sa Pilipinas dahil sa pagtatrabaho sa isang illegal POGO hub.
Ayon sa Bureau of Immigration (BI), ang mga dayuhan ay sumakay ng isang bangka sa Tawi-tawi upang tumakas sana ng Pilipinas.
Gayunman, nasira ang bangkang sinasakyan ng mga ito, na nagresulta sa kanilang pagkakadakip.
Nabatid na ang mga dayuhan ay kabilang sa mga foreign employees na unang naaresto sa isang raid sa illegal Lucky South 99 POGO firm sa Porac, Pampanga, kamakailan ngunit nakatakas ang mga ito. Inaalam pa naman umano ng BI kung saan nagtago ang mga suspek bago sila nagtangkang lumabas ng bansa.
- Latest