^

Police Metro

4 drug dealer na nag-parcel ng shabu, arestado

Doris Franche-Borja - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Apat na sinasabing mga big time drug dealer na nagpapa-parcel umano ng shabu na magkakahalaga ng P6.8 milyon sa kanilang mga kliyente sa Quezon City ang naaresto nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas Ron-Ron, 38; Jay-Jay, 37; Ken, 35, at Jap, 22, na nadakip sa isang apartment building sa Brgy. E. Rodriguez Sr., nitong Biyernes ng gabi.

Paliwanag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakatanggap sila ng impormasyon na isang rider ng isang delivery platform o courier service ang napapansin na madalas nagpi-pick up ng parcel sa apartment.

Nabatid na  namonitor umano ng mga opisyal sa barangay ang mga kahina-hinalang galaw ng mga suspek sa CCTV kaya naman agad na nagkasa ng operasyon laban sa mga suspek.

Dito ay nakumpirma ng mga otoridad ang modus ng mga suspek na mag-book ng delivery o courier service para maihatid sa kanilang mga parokyano ang illegal na droga.

Nakuha sa mga suspek ang nasa 1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800,000.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with