Liderato ng BTA pinalitan ni Marcos
MANILA, Philippines — Nagtalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng bagong pinuno sa Bangsamoro Transition Authority (BTA).
Kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na pinalitan si Ahod Ebrahim bilang Interim Chief Minister ni Maguindanao del Norte Acting governor Abdulraof Macacua.
Naniniwala naman si Castro na hindi magkakaroon ng tensyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos ang palitan ng liderato.
Giit pa ng tagapagsalita ng palasyo na si Ebrahim ay isa sa tagapagtaguyod ng peace process kaya wala silang nakikitang dahilan para magkaroon ng tensyon sa rehiyon. Wala namang ibinigay na dahilan si Castro kung bakit nagbago ng liderato sa BARMM.
- Latest