^

Police Metro

Kasong rape vs Pandi mayor, ibinasura

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Kasong rape vs Pandi mayor, ibinasura
Mayor Enrico Roque.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Regional Trial Court Branch 121 ng Caloocan City ang inihain na kasong rape laban kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque at sa dalawang kasama nito matapos mapatunayang walang basehan at walang katotohanan ang mga bintang laban sa alkalde.

Sa inilabas na desis­yon ni Judge Rowena Violago Alejandria ng RTC Branch 121 noong February 25, 2025, inilahad dito na ang pangalan ng nag-akusa sa alkalde – isang Mikaela Buico Mariano – ay hindi umano tunay na pangalan at imbento lamang din umano ang address ng tirahan na ibinigay nito. Ayon pa sa korte, ma­ging ang medico-legal na isinumite nito ay napatunayang hindi totoo, gayun din ang blotter nito dahil wala ito sa mga dokumento ng Women and Children Protection Desk ng Caloocan City Police Station.

Sinabi naman ng kampo ni Roque na ang kasong kriminal na inihain laban sa alkalde ay isa lamang umanong direktang paninira sa kanyang pagkatao at public image.

Dagdag pa nila, ang kasong ito ay nagbigay ng kahihiyan kay Roque hindi lamang may kaugnayan sa pulitika kundi isang pagnanakaw na rin sa kanyang mga karapatan bilang tao dahil sa mga walang katotohanan at inimbentong akusas­yon laban sa kanya.

ENRICO ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with