Apat lalaki na wanted sa rape, timbog
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang apat na wanted na lalaki sa kasong panggagahasa sa pinaigting na kampanya laban sa most wanted persons regional at provincial levels sa Lucena City, Quezon, Malvar, Batangas at Mexico, Pampanga.
Kinilala ang mga naaresto na sina construction worker Van Allen Aguirre, 40; Christian Brylle Torres, alyas Torres, 20; Romeo Tayag, 43; at Bryan Paul Pineda, 32, na nakalista sa ilalim ng Most Wanted Persons-Regional at Provincial level.
Ayon kay Lt. Col. Dennis De Guzman, hepe ng Lucena police na isa sa apat na suspek ay inakusahan ng tatlong bilang ng panggagahasa sa Lucena City, Quezon noong 2016.
Ang pag-aresto sa apat na akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa krimen ng panggagahasa ay inisyu ng iba’t ibang korte sa Lucena, Pampanga at Marinduque.
- Latest