^

Police Metro

Fetus umalingasaw sa basurahan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nadiskubre ang isang fetus sa tambak ng mga basura dahil sa alingasaw nito sa Port Area, Manila kamakalawa ng gabi.

Inilarawan ang fetus na isang lalaki at tinatayang nasa 36 na linggo lang ang edad.

Sa Manila Police District (MPD), alas-10:30 ng gabi nang madiskubre ang fetus sa tambak ng mga ba­sura sa seawall ng ri­verside na matatagpuan sa Block 15B, Babuyan, Baseco Compound, Port Area.

Ayon sa testigong si Lyn Perez, kasaluku­yan siyang naghahanap ng mga mapapakinabangang bagay sa mga basura nang mapuna ang isang puting tela na nasa loob ng isang itim na plastic bag.

Nang silipin ang laman ng plastic bag ay nakita ang fetus na nakabalot sa puting tela.

Kaagad ipinagbigay-alam ni Perez sa mga otoridad para maimbestigahan.

FETUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with