^

Police Metro

Bebot na wanted sa 159 counts pagnanakaw, tiklo

Ludy Bermudo - Pang-masa
Bebot na wanted sa 159 counts pagnanakaw, tiklo
This photo shows a picture of a hand in handcuffs.
Pixabay / File

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang 39-anyos na misis na no.10 most wanted dahil sa mahigit isandaang bilang ng kasong pagnanakaw sa isinagawang operasyon ng Warrant and Subpoena Unit ng Makati City Police Station, sa nasabing lungsod, nitong Sabado.

Kinilala ni Makati CPS chief, P/Colonel Jean Dela Torre ang akusadong si alyas “Daisy Grande,” na pinaghahanap dahil sa 159 counts ng Qualified Theft through Falsification of Commercial Documents ay nadakip alas-10:30 ng umaga ng Marso 1, 2025, sa Barangay Sta. Cruz, Makati City.

Nabatid sa warrants of arrest na inisyu ni Hon. Jonathan Honorato D. Lock, Pairing Judge ng Regional Trial Court, Branch 60, Makati City, na maaring palayain pansamantala si Daisy Grande kung maglalagak ng inirekomendang piyansa na P5,174,000.00.

Ang operasyong ito ay bahagi ng pagsisikap ng pulisya na palakasin ang pagpapatupad ng batas laban sa financial crimes.

NAARESTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with