^

Police Metro

Pasaway na driver ng DAR, sinibak

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinibak ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang mismong driver ng Department of Agrarian Reform (DAR) nang tumakas mula sa mga traffic enforcers matapos siyang ma-flag down dahil sa paglabag sa batas-trapiko.

Ang hakbang ay agad na iniutos ni Secretary Estrella kay Assistant Secretary Ubaldo Sadia­rin Jr., ang supervisor ng driver na si Russel Smith, na tiyaking ang huli ay sumuko sa mga awtoridad at ganap na tanggapin ang pananagutan sa kanyang paglabag.

Lumalabas na nang huhulihin ng mga traffic enforcers si Smith ay ginamit pa nito ang pangalan ni Sec. Estrella.

Si Smith ay na-flag down ng mga enforcers ng Quezon City noong Huwebes dahil sa iligal na pagparada o illegal par­king ng gamit na sasakyan sa kahabaan ng Timog Avenue. Makikita sa nakuhang video ng pangyayari ang pagtanggi ni Smith na magpakita ng kanyang lisensya bago kumaripas paalis.

DAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with