^

Police Metro

PCO acting Secretary Cesar Chavez nagbitiw sa pwesto

Gemma Garcia - Pang-masa
PCO acting Secretary Cesar Chavez nagbitiw sa pwesto
Cesar Chavez
Bicol Standard, File

MANILA, Philippines — Nagbitiw na sa kaniyang pwesto si Presidential Communications Office acting Secretary Cesar Chavez.

Sa inilabas na pahayag ng kalihim, isinumite nito ang kaniyang irrevocable resignation noong February 5, 2025 at bababa sa kaniyang pwesto sa February 28, o mas maaga kapag mayroon ng nahirang na kapalit nito sa PCO.

Pero sinabi ni Chavez na kahit nagbitiw ito sa pwesto, hindi nito tatalikuran ang paniniwala sa admi­nistrasyon at patuloy na susuportahan ang mga adhikain kahit nasa pribadong sektor na ito.

Disyembre noong nakaraang taon nang italaga ni Pangulong Marcos si Chavez bilang acting secretary ng PCO.

Samantala, ang batikang journalist na si Jay Ruiz ang napili ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bagong pinuno ng PCO kapalit ni Chavez.

CESAR CHAVEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with