Lola pinasok, pinugutan ng ulo!

MANILA, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang lola na natagpuang wala nang ulo matapos na hinihinalang pasukin ng hindi kilalang salarain sa kanyang bahay sa Dumajug City, Cebu kahapon ng umaga.
Ilang metro ang layo natagpuan naman sa hagdan ang ulo ng biktimang kinilalang si “Nanay Miguela” ng Barangay Candabong, Dumanjug City, Cebu.
Nasa tabi ng ulo ang isang itak na pinaniniwalaang ginamit sa krimen. Ayon sa pulisya, inaalam pa nila ang posibleng responsable at motibo sa krimen.
Samantala, may ilang netizen naman ang nagbahagi ng mga larawan ng pinaslang na biktima na makikita ang tila pagkakatanggal din ng mga buhok mula sa pugot na ulo ng lola.
Habang isinusulat ang artikulong ito, patuloy pa ang imbestigasyon sa malagim na pagkasawi ng matandang biktima.
- Latest















