^

Police Metro

Mag-asawa timbog sa P3.4 milyong shabu drug bust

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang mag-asawa ang naaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa sa Cotabato City.

Kinilala ni PDEA-BARMM director Gil Cesario Castro mag-asawang suspek na sina ‘Theng’ at ‘Saima’ na mga residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Nabatid na nakakalap ng impormasyon ang PDEA hinggil sa operasyon ng mag-asawa kaya agad na ikinasa ang buy-bust sa Brgy.Poblacion 5,Cotabato City at nakuha sa kanila ang nasa 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon,buy-bust money;dalawang cellphones, wallets, at mga identification cards.

Nasa kustodiya na ng PDEA BARMM Jail Facility ang mag-asawa na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

PDEA

SHABU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with