^

Police Metro

Backpacks, hoodie bawal sa ‘Pahalik’ – PNP

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naglabas nang pagbabawal ang pamunuan ng Philippine National Police sa isasagawang “Pahalik” sa Quirino Grandstand ang backpacks at pagsusuot ng hoodie kaugnay ng Kapistahan ng Poong Jesus Nazareno mula sa Enero 7.

Ito ang sinabi ni Phi­lippine National Police Public Information Office chief PBGen. Jean Fajardo na bahagi ng security measures ng PNP upang masiguro na magiging maayos ang “Pahalik” mula Quirino Grandstand, sa Traslacion hanggang maibalik sa simbahan ng Quiapo.

Pinapayuhan ang mga magtutungo sa “Pahalik” at Traslacion na gumamit ng mga transparent na bag upang agad na makita ang nasa loob ng bag at iwasang magsuot ng hoodie upang makita at makilala ang lumalahok.

Maaari ding ­magdala ng tubig, subalit kailangang nasa tumbler at huwag sa plastic bottle na makaka­dagdag pa sa mga basura.

Sinabi rin ni Fajardo na pinag-usapan pa kung paiiralin ang signal jammer sa Enero 9. Sakali aniyang ipatulad, dapat na maintindihan ng mga deboto para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Samantala, upang maging maayos ang daloy ng Traslacion sa Enero 9, wawalisin ng mga pulis ang mga vendors na nakaharang at nakapuwesto sa mga daraanan nito.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), malaki ang maitutulong sa maayos at mabilis na Traslacion kung wala ang mga ambulant vendors na nagpapasikip sa mga kalsada.

NAZARENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with