Kelot arestado sa pagpaputok ng ‘boga’

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang inaresto sa aktong pagpapaputok ng boga matapos isumbong ng mga residente sa Muntinlupa City, Martes ng hapon.
Kinilala ang suspek na si alyas “Juztine”, nasa hustong gulang, na inaresto ng mga tauhan ng Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) Team Bravo, alas-2:25 ng hapon nitong Disyembre 30, sa Kanlaon St., Makiling Extension, Country Homes, Barangay Putatan, Muntinlupa City.
Sa ulat ng pulisya, inireklamo ng isang concerned citizen ang ginawang pagpapaputok ng suspek.
Agad namang umaksyon ang mga tauhan ng TMRU Team Bravo na nagtungo sa lugar kung saan kinumpiska sa suspek ang isang malaking boga.
Sa Facebook post ng City Government of Muntinlupa, may kaukulang multa ang mga lalabag alinsunod sa City Ordinance no. 14-092 na nasa P1,000.00 hanggang P5,000.00.
- Latest
















