Duterte ‘di na ipatatawag ng Quad Comm
MANILA, Philippines — Inihayag ni Quad Comm Chairman Rep. Robert Ace Barbers (2nd District Surigao del Norte) na hindi na ipatatawag ng Quad Committee ng Kamara de Representantes si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kaugnay ng pagdinig sa extra judicial killing sa madugong drug war ng nakalipas nitong administrasyon.
“No need na siguro, because yong 12-13 hours na meeting natin sa kanya basically ‘yun na yong gusto nating marinig,” ayon kay Barbers.
Magugunita na si Duterte, 79-anyos ay dumalo sa pagdinig ng Quad Comm noong Nobyembre 13 kung saan nagbigay na ito ng mahabang testimonya sa polisiya ng kaniyang administrasyon sa madugong giyera kontra droga.
- Latest