^

Police Metro

8K pulis ikakalat sa Metro Manila ngayong Kapaskuhan

Mer Layson, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magpapakalat ang pamunuan ng National Capital Police Office (NCRPO) ng nasa 8,000 pulis sa mga strategic na lugar sa Metro Manila dahil inaasahan ang dagsa ng mga tao sa mga transport terminal, pamilihan at mga simbahan ngayong Kapaskuhan.

Ito ang tiniyak ni NCRPO chief PBGen. Anthony A. Aberin dahil sa kadalasang umaatake ang mga kriminal tuwing holiday season kung saan marami ang abala sa pamimili.

Ayon kay Aberin, maglalagay din sila ng mga “Able, Active, and Allied” police sa mga police assistance desk upang agad na maayudahan at marespondehan ang sinumang nanga­ngailangan ng tulong.

Payo ni Aberin sa publiko, agad na makipag-ugnayan sa mga pulis at ibigay ang tiwala sa kanila.

Aniya, maging ang mga force multipliers ay magiging katuwang ng mga pulis sa pagbibigay seguridad ngayong Kapaskuhan.

Kasabay nito, hini­mok ni Aberin ang publiko na manatiling mapagbantay, lalo na sa mga matataong lugar, at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa mga otoridad.

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with