ECOP kinastigo sa pagkontra sa pagtanggap ng PWD workers

PWD workers packing wooden toys in their sports gymnasium, where they also hold athletic events.
Philstar.com/Deni Rose M. Afinidad-Bernardo

MANILA, Philippines — Sermon ang inabot ng Employers Confede­ration of the Philippines (ECOP) kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo matapos magpahayag ang grupo ng hindi pagsang-ayon sa panukalang batas na oobligahin ang mga pribadong kumpanya na mag-hire ng mga persons with disabilities (PWDs).

Ayon sa House Bill 8941 na inihain ni Cong. Tulfo at mga kasama na sina Rep. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Eric Yap, Ralph Tulfo, at Wilbert Lee kailangan mag-hire ng 2% ng workforce ng isang kumpanya na may 1,000 employees at 1% naman sa mga small businesses na may 100 or less na empleyado.

Hindi pinalagpas ni Tulfo ang tila pagtutol ng resource person ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa nasabing panukalang batas. Sinabi kasi ng tagapagsalita ng ECOP, “Additional training, facilities, and equipment if a business is mandated to hire a PWD…therefore additional cost”. “Yan ang lagi ninyong palusot. Additional training and facilities kaya dagdag gastos sa employer,” buwelta ni Tulfo.

Aniya, “Siyempre mag-hire ka ng PWD na kakayanin niya ang trabaho. Example pwede mga may kapansanan sa paglakad sa front desk o office o mga IT”.

Muling uminit ang ulo ng mambabatas ng malaman mula sa chairman ng Special Committee on Disabilities Cong. Alfelito Bascug na hindi dumalo sa pagdinig ang Civil Service Commission bagamat inimbitahan ito.

Show comments