^

Police Metro

Obrero dedo sa hataw ng golf club sa ulo

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Obrero dedo sa hataw ng golf club sa ulo
Golf stock photo
Via istock

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 39-anyos na construction worker matapos hatawin sa ulo ng golf club ng nakaalitang kapitbahay, kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Ronaldo Pepito Villegas, nakatira sa Building F Unit 8,Bistek Ville 4, Barangay Culiat, Quezon City.Habang ang suspek na tumakas ay kinilalang si Zaldy Potugal Timado, 47.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang krimen, ala-1:30 ng hapon ng sa Bistek Ville 4, Metro Heights compound, Brgy. Culiat ay sinugod umano ng biktima ang suspek sa bahay nito at nagtalo tungkol sa pintura ng aerosol.

Nagalit ang suspek at itinulak ang biktima na umuwi ng kanyang bahay at pagbalik ay may dala ng kutsilyo at kadena.

Nakita ng suspek ang bitbit ng biktima na kutsilyo kaya kinuha naman nito ang golf club sa kanyang bahay saka hinabol ang biktima at nang maa­butan ay pinag­hahampas ng ilang beses sa ulo.

Isinugod pa ang biktima sa Quezon City Gene­ral Hospital at kalaunan ay inilipat sa East Avenue Medical Center kung saan idineklara itong dead on arrival, alas-5:52 ng hapon.

GOLF CLUB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with