15 Chinese naaresto sa illegal na pagawaan ng sigarilyo
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 15 Chinese na illegal na nagtatrabaho sa malaking pabrika ng sigarilyo sa Cabanatuan City.
Nabatid na sinalakay ng mga Bureau of Internal Revenue (BIR) kasama ang NBI ang malaking pabrika ng sigarilyo sa Cabanatuan dahil sa hindi nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. ang naturang pabrika ay illegal na gumagawa ng mga sigarilyo na matatagpuan sa Cabanatuan City at nasa P636,935,703.54 ng unpaid taxes at penalties ang ‘di binabayaran.
Pagdating sa lugar ay natuklasan na ang operasyon ng pabrika ay nasa ground floor ng isang rest house at mayroong truck containers na ginagamit bilang storage facilities para pagtaguan ng mga kontrabando.
Nakita rin ang isang bunker at isang firing range bukod sa mga illicit cigarettes, machines, fake tax stamps, raw tobacco at ibang materyales na ginagamit sa pag manufacture ng sigarilyo na kung saan ay nakita ang 15 Chinese.
- Latest