^

Police Metro

Lino Cayetano ‘di pinayagan ng Comelec na marehistro sa Ususan, Taguig

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Commission on Elections-Taguig City Election Registration Board (ERB) ang pagnanais ni Lino Cayetano at maybahay na si Fille Cayetano na mairehistro sila bilang botante sa unang Distrito mula sa ikalawang Distrito ng Taguig City.

Sa 24-pahinang Resolusyon ng ERB, hindi tinanggap ang aplikasyon ng mag-asawang Cayetano na sila ay residente ng Pacific Residences, sa Barangay Ususan Taguig sa loob ng 2 taon at 5 buwan, na bahagi ng District 1.

Nilinaw ng ERB na bigong mapatunayan ng mag-asawa na sila ay nanirahan sa Pacific Residences sa loob ng panahong kanilang iginigiit. Hindi naipaliwanag ng mag-asawa kung bakit hindi sila nagsumite ng karaniwang katibayan tulad ng identification cardsna Philsys ID, Postal ID, Driver’s License, NBI Clearence, GSIS/SSS or UMID ID, o Barangay ID at tanging pasaporte na inaisyu noong 2018 ang kay Fille at 2021 kay Lino, na parehong panahon na hindi pa sila residente ng Pacific Residences.

Wala ring saysay ang logbook record na isinumite dahil isang entry lamang ang nakatala na Oktubre 2024 sila pumasok, gayundin ang iisang billing statement ng PLDT na sa buwan lang ng Okt. 2024.

Hindi rin pinaniwalaan ng ERB ang giit na sub-lease sa unit ng Pacific Residences dahil ang main lease contract ay napaso na ng Abril 2022, gayung pinalalabas ng mag-asawa na hanggang 5 taon o 2027 pa mapapaso ang kanilang sub-lease, habang ang deposits slip na ipnrisinta ay para sa Enero 2023 hanggang Abril 2024, na hindi sapat na tumugma sa 5-taong sub-lease.

Lumutang sa pagdinig ng ERB Pun ong Barangay ng Ususan na nagsabing wala siyang alam na tumira ang mag-asawa doon habang ang Kapitan ng Barangay Fort Bonifaco ay nagpatunay na maraming tirahan sa Bonifacio Global City, sa Taguig ang mag-asawa.

Hindi naman nakontra ng 10 testigong nagsumite ng salaysay pabor sa Cayetano ang testimonyang inihain ng mga oppositor na hindi nakikita sa Pacific Residences ang mag-asawa, matapos hindi lumutang sa pagdinig. Natuklasan pa ng ERB na 8 sa 10 testigo ng Cayetano ang hindi naglakip ng ID at nang busisiin ang voters registration record, 4 ang walang record, at 2 ay botante ng Brgy. Ususan.

Batay sa rehistro ng 5 testigo ng oppositor, lumabas na walang Accord St. na ginamit ang residente ng Pacific residences, na ginagamit na address ng mag-asawa, na sa halip ay Almond st. Dahil dito, hindi pasok sa domicile o residence ang mag-asawa na konteksto ang paglilipat ng bilang botante.

Gayunman, nilinaw ng ERB na ang Resolusyon ay hindi bumabawi sa karapatan ng mag-asawang Cayetano na bumoto sa eleksiyon. Ang tinanggihan lamang ay ang hiling nila na lumipat ng rehistrasyon sa Brgy. Ususan sapagkat hindi sila residente dito. Nananatili silang botante ng Brgy. Fort Bonifacio.

LINO CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with