158 lugar na biktima ni ‘Kristine’ isinailalim sa state of calamity
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umaabot na sa 158 lugar ang isinailalim sa state of calamity bunga ng matinding pinsalang tinamo sa paghagupit ng bagyong Kristine.
Sinabi ni NDRRMC Executive Director Undersecretary Ariel Nepomuceno, ang Bicol Region ang may pinakamaraming bayan at lungsod ang inilagay sa state of calamity sa bilang na 78.
Kabilang naman dito, ayon pa sa opisyal ang buong lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte at Catanduanes, gayundin ang bayan ng Bulan, Sorsogon.
Pumapangalawa naman ang rehiyon ng CALABARZON (Cavite,Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) sa Samar ay ang Calbayog; habang sa Eastern Samar ay ang mga bayan ng Arteche,San Policarpo, Oras, Maslog, Dolores, Can-avid, Taft, Sulat, San Julian, Borongan at Maydolong.
Idinagdag pa dito ang Dagupan City sa Pangasinan, Magpet, Cotabato; Alfonso Lista sa Ifugao, Quezon City at iba pang mga lugar.
Sa pamamagitan ng pagdedeklara ng state of calamity ay magagamit ang pondo sa Quick Response Fund upang mapabilis ang pagbibigay ng ayuda sa mga nangangailangang residente na labis na naapektuhan ng kalamidad.
- Latest