^

Police Metro

3.3 milyong Pinoy, biktima ng bagsik ni ‘Kristine’ - DSWD

Angie dela Cruz - Pang-masa
3.3 milyong Pinoy, biktima ng bagsik ni ‘Kristine’ - DSWD
Just hours after Severe Tropical Storm #KristinePH made landfall in Isabela, the Cagayan River surged significantly, as seen from Naguilian Bridge on Thursday, October 24, 2024.
Photos by Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Umaabot sa 3.3 milyong Pinoy ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine sa bansa.Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, ang naturang bilang ay kapapalooban ng 805,000 pamilya na sinalanta ng bagyo kasama na ang 40,000 dagdag na pamilya na naapektuhan din ng bagyo sa  Ilocos Region.

Umaabot naman anya sa 288,000 katao o nasa 75,000 pamilya ang patuloy na kinakanlong sa higit tatlong libong evacuation center ng pamahalaan.

Sinabi ni Dumlao na nakapagbigay na ng may P111 milyong halaga ng  humanitarian aid ang DSWD kabilang na ang 150,000 family food packs at nonfood items na nasa mga evacuation centers.

Anya, patuloy namang gumagawa ng mga paraan ang DSWD sa tulong ng ibang ahensiya ng pamahalaan upang mahatiran din ng tulong ang mga residenteng patuloy na nasa binabahang mga lugar.

TYPHOON KRISTINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with