^

Police Metro

3 student nanguha ng saging tepok sa kidlat, 2 pa kritikal!

John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong kabataang estudyante ang patay habang dalawa pa ang malubha naman nang tamaan ng kidlat habang nangunguha ng bunga ng saging para maibenta para sa kanilang pangangailangan sa iskul habang umaambon sa isang sakahan sa Purok 6, Barangay Damit sa Bayog, Zamboanga del Sur nitong hapon ng Huwebes.

Sa ulat nitong Sabado, kinumpirma ng Bureau of Fire Protection (BFP)-9 at ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office, nangunguha ng saging habang umaambon sa bukid ang mga biktima nang biglang kumidlat ng malakas. Dito nasapol ng kidlat ang menor-de-edad na estudyante.

Sa ulat ng Bayog Municipal Police Station Ang tatlo sa mga biktima ay idineklarang dead-on-arrival sa isang pagamutan habang ginagamot na ang dalawa pa na nagtamo ng mga paso at sugat sa katawan.

Sa pahayag ng mga magulang ng mga estudyante, ang mga biktima ay nagpumilit na manguha ng saging sa isang sakahan, na pinayagan naman ng may-ari, upang maibenta sana sa palengke para kumita ng pera para sa kanilang mga pangangailangan sa kanilang school intramurals sa susunod na linggo.

BFP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with