^

Police Metro

Tatay na humalay sa 3 anak na babae, pinatay

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Tatay na humalay sa 3 anak na babae, pinatay
Illustration map of Surallah, South Cotabato.
GoogleMaps

MANILA, Philippines — Isang ama na may kasong panggagahasa sa tatlong anak nitong babaeng menor de edad ang pinagbabaril ng ­hindi pa kilalang suspek, iniulat nitong Sabado, sa bayan ng Surallah, South Cotabato.

Namatay noon din sa mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na si alyas Gerald, 37; at taga-Lake Sebu, South Cotabato.

Batay sa report ng Surallah Municipal Police Station, natagpuan ang bangkay ng biktima sa damuhang bahagi ng Purok Riverside, Brgy Tubi-Allah, Surallah, South Cotabato at tadtad ng tama ng bala sa hindi pa mabatid na kalibre na baril.

Ayon kay Police Capt. Archie Dagohoy, hepe ng Surallah MPS, positibong kinilala ang biktima ng kanyang mga kaanak at sinabing may kinakaharap itong kasong panggagahasa sa tatlong anak na babae.

Inaalam na ng mga otoridad ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek para managot.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with