^

Police Metro

NTC kinalampag sa mas mahigpit na SIM registration vs cybercriminals

Malou Escudero - Pang-masa
NTC kinalampag sa mas mahigpit na SIM registration vs cybercriminals
A vendor sells sim cards along the sidewalk of Balintawak Public Market in Quezon City on September 15, 2022.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Ipatupad ang mas mahigpit ang pangangasiwa sa telecommunication providers sa pagpapare­histro ng SIM.

Ito ang paghikayat ni Senator Sherwin Gatcha­lian sa National Telecommunications Commission (NTC) sa gitna ng mapanlinlang na paggamit ng SIM ng cybercriminal kabilang ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), love scam at iba pa.

“Gusto nating higpitan pa ng NTC ang pagpapatupad ng mga telcos kung sila ay hindi sumusunod sa batas at mga patakaran ng NTC. Yan lang ang paraan para madisiplina sila dahil para sa mga telcos, ang pagbebenta ng SIM ay kita,” ayon sa senador.

Bilang co-author ng SIM Registration Act, binigyang-diin ni Gatchalian na dapat mapigilan ng NTC ang mapanlinlang na pagpaparehistro ng SIM cards sa pamamagitan ng mahigpit na pangangasiwa sa telcos.

Binanggit ng senador na nagbibigay-daan ang ganitong pandaraya sa sindikato, kabilang ang POGO, na mambiktima, gamit ang mapanlinlang na rehistradong SIM card.

SIM REGISTRATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with