Re-investigation ng Barayuga murder case, iniutos sa CIDG
MANILA, Philippines — Kasunod nang ibinunyag ng ilang pulis na sangkot ang ilang matataas na PNP official sa pagpatay kay retired police general at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board secretary Wesley Barayuga noong 2019 ay inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco D. Marbil ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na pangunahan ang muling pag-imbestiga sa kaso.
Sa pagdinig ng House Quad Committee, sinabi ni PLt. Col. Santie Mendoza na inutusan siya nina National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Edilberto Leonardo at dating PCSO General Manager Royina Garma upang patayin si Barayuga.
Si Garma aniya ang nagsagawa ng intelligence operation dahil sangkot umano si Barayuga sa illegal drug activities.
Ayon kay Marbil, kailangan na muling masiyasat ang kaso lalo pa’t seryoso ang alegasyon laban sa mga opisyal.
Magsasagawa ng reevaluation ang CIDG sa mga ebidensiya para sa bagong testimonya katuwang ang ilang ahensiya ng pamahalaan para sa impartial at transparent investigation.
Layon din ng re-investigation na matukoy ang mga indibiduwal at opisyal na sangkot sa krimen.
- Latest