3 Chinese, 1 Pinoy inaresto sa road rage
MANILA, Philippines — Tatlong Chinese national at driver na Pinoy ang nasakote ng mga otoridad matapos abandonahin ang kanilang sasakyan sa naganap na road rage sa kanto ng Roxas Boulevard at Sen. Gil Puyat Avenue, Pasay City, kahapon ng umaga.
Sa inisyal na ulat, alas-3:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente, kung saan nagtamo ng 2 hanggang 3 tama ng bala ang Honda Odysse na nawasak ang harapang bahagi at pumutok din ang airbag na dahil umano sa impact ng pagbangga umano nito sa BMW.
Nauwi sa pagbabarilan ang magkabilang panig na nakatawag ng atensyon sa mga tauhan ng Pasay Police Sub-Station 1 na nagresulta sa pagkadakip sa dalawang Chinese national na sina alyas “Zha”; at alyas “Wang” at driver na si alyas “Reden”, residente ng Taguig City.
Isa sa pang dayuhan na sangkot din sa insidente ang nakatakas sa bahagi ng Tambo, Parañaque City matapos puwersahang tangayin ang isang e-bike na minamaneho ni alyas “William”.
Sinabi sa pulisya ni William na pinara siya ng mukhang Chinese sa Macapagal Avenue at nang kanyang hintuan, tinutukan siya ng baril sa mukha at puwersahang tinangay ang kanyang e-bike.
Kabilang naman sa mga nakumpiska sa mga suspek ang ang dalawang kalibre .9mm pistol na may 16 na bala sa magazine, Airsoft M4 na kalibre na may magazine, dalawang patalim, cellphone at ilang personal na gamit habang nakuha sa lugar ng barilan ang walong basyo ng kalibre .9mm, limang bala, dalawang metal jacket at isang depormadong bala.
- Latest