^

Police Metro

28 mobile clinics ibinigay sa 28 probinsya sa Mindanao

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinangunahan kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos ang turnover ng 28 mobile clinics na may tatak na Bagong Pilipinas para sa 28 probinsya sa Mindanao sa isang sere­monya sa Manila North Harbor Port.

Ang mga bagong mobile clinic ay bilang pagtupad sa pangako ng administrasyon na palakasin ang sektor ng kalusugan sa buong bansa lalo na sa mga lugar na mahirap marating ng serbisyo ng gobyerno.

Sa ginanap na sere­monya, ipinamahagi ng Pangulo at ng Unang Ginang ang Deed of Donations sa 28 reci­pients na mga lalawigan at sinaksihan ang send-off ng Unang 14 na mobile clinics patungong Caga­yan de Oro sa pamamagitan ng Roll-On Roll-Off (roro) na sasakyan.

Ang destinasyon ng mobile clinics ay regions 9, 10, 11, 12, 13 at Bangsa­moro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Hangad din aniya ng gobyerno na maibigay ang serbisyong pangkalusugan sa mga malalayong lugar para maiwasan o maagapan ang mga sakit tulad ng tuberculosis, diabetis, bato at iba pa.

vuukle comment

CLINIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with