^

Police Metro

Bisor sinaksak ng kaalitan sa trabaho, dedo

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang lalaking supervisor nang undayan ng sampung saksak ng kasama nito sa trabaho na may galit umano sa kanya, naganap, kama­kalawa sa Caloocan City.

Sa ulat, sinabing ­aalis na sana ng kanilang opisina sa Llano ang biktima sakay ng motor nang salubungin ng kaniyang katrabaho at kapatid nitong lalaki at undayan ng mga saksak.

Ilang tao ang naka­kita sa insidente ngunit hindi tinulungan ang biktima. Agad kumaripas ng takbo ang nanak­sak na suspek.

Sinabi ng pulisya at katrabaho ng biktima na hindi bababa sa 10 saksak ang tinamo nito.

Nabatid na bago ang krimen ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa nang sitahin ng biktima na isang supervisor ang suspek dahil sa umano’y nagpapabaya sa trabaho.

Patuloy ang pagtugis ng pulisya sa suspek at kapatid nitong humarang sa biktima.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with