^

Police Metro

Liquid shabu posibleng bumaha ngayong Kapaskuhan, election 2025 – PNP

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinangangambahan ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG) na posibleng bumaha ngayong Kapaskuhan at midterm election 2025 ang liquid shabu sa bansa.

Ito naman ang sinabi ni PDEG Director PBGen. Eleazar Matta, base na rin sa kanilang natanggap na intelligence report na maraming illegal drugs ang papasok sa bansa.

Ayon kay Matta, isa sa kanilang minomonitor ay ang liquid shabu na  mas mura at mas “discreet” ang bentahan kumpara sa tradisyunal na shabu.

Kadalasang social media ang ginagamit na platform ng mga drug syndicate na nahaharang pa rin ng kapulisan.

Ayon kay Matta, gagamitin umano ang mga illegal drugs para ibenta at pondohan ang ilang personalidad na tatakbo sa nalalapit na halalan.

Sa ngayon, may listahan na ang PDEG ng mga local chief exe­cutives o mga alkalde na sangkot sa iligal na droga subalit kailangan pa ring sumailalim sa beripikasyon.

Aniya, ang pagkakasabat ng malala­king hala­ga ng illegal na droga sa mga nakalipas na araw ay posibleng indikas­yon na nagsisimula na ang operasyon ng mga drug syndicate.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with