^

Police Metro

Kemikal tumagas: 17 katao naospital

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isinugod sa pagamutan ang nasa 17 katao  matapos makaramdam ng iba’t ibang sintomas nang makalanghap ng umano’y pagtagas ng chemical subs­tance mula sa junk shop sa South Point, Brgy. Banaybanay, Cabuyao City, Laguna noong Martes ng hapon.

Ayon sa Cabuyao CDRRMO, nakaramdam ng pagkahilo at nahirapang huminga ang mga biktima matapos sumi­ngaw ang kemikal kaya agad isinugod ang mga ito sa iba’t ibang ospital.

Base sa report, nagsasagawa ng general cleaning ang mga tauhan  ng Izbanda scrap trading at inililipat ng lugar ang isang nasa 4 feet na cylinder tank nang bigla itong sumingaw at lumabas ang yellowish-green na kemikal na may masangsang na amoy.

Agad lumayo ang mga trabahador, ang iba pang mga malapit sa lugar, su­balit nakaramdam pa rin ng sintomas ang mga ito.

Sa patuloy na pag­responde ng mga tauhan ng BFP kasama ang Cabuyao City PNP, CDRRMO, responder group na ALERT, Banaybanay Fire Brigade, CENRO, OBO at POSO napigil ang pagkalat ng kemikal at agad ding sinecure ang area.

Hinihinala ng mga otoridad na chlorine based substance ang sumingaw na kemikal.Nasa maayos na kondisyon na ang mga biktima.

CHEMICAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with