^

Police Metro

Philippine Army bibilhan ng P11.7 bilyong ballistic helmets, body armor

Joy Cantos - Pang-masa
Philippine Army bibilhan ng P11.7 bilyong ballistic helmets, body armor
Members of the Philippine Army celebrate their 127th founding anniversary at the Training and Doctrine Command, Camp O’Donnell in Capas, Tarlac on March 22, 2024.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nakatakdang bilhan ng Deparment of National Defense (DND) ang nasa 115,000 miyembro ng Philippine Army ng P11.7 bilyong halaga ng ballistic helmets at body armor upang mapalakas pa ang kapabilidad ng depensa.

Sa bulletin na ipinoste ng DND sa website, sinabi rito na ang ballistic helmet project ay may pondong P2.875 bilyon.

Ang bidding ay bukas para sa mga dayuhan at maging sa mga lokal na nagmamanupaktura  pero dapat ay maayos ang kondisyon ng eligibility alinsunod sa nirebisang 2016 Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act (RA) 9184 o ang Government Procurement Reform Act .

Ayon pa sa bulletin ang magwawaging bidders ay obligadong magdeliber ng ballistic helmets sa loob ng limang taong period na ang batches ay dapat nasa 23,000 piraso kada taon.

Sa hiwalay na bid bulletin, sinabi rito na nasa P8.832 bilyon naman ang alokasyon para sa pagbili ng military body armor para sa kabuuang 115,000 puwersa ng hukbong katihan.

Inihayag dito na ang magwawaging bidders ay kailangang maideliber ang mga items sa loob ng limang taon na dapat ay ang batches ay nasa 23,000 kada taon.

Idinagdag pa dito na ang bidding ay isasagawa sa isang bukas na proseso ng ‘competitive bidding “ na tatalima sa IRR ng procurement law.

Itinakda  ng DND ang pagbubukas ng bidding sa Agosto 20 sa tanggapan ng DND sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

vuukle comment

BODY ARMOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with