^

Police Metro

Carlos Yulo tatanggap ng P3 milyong insentibo sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa
Carlos Yulo tatanggap ng P3 milyong insentibo sa Kamara
Makikita ang isang electronic billboard sa kahabaan ng EDSA, Mandaluyong City na bumabati kay Filipino Olympian gymnast Carlos Yulo matapos makuha ang ­unang gintong medalya ng Pilipinas sa men’s artistic gymnastics floor exercise sa Paris 2024 Olympics.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Tatanggap ng P3-M insentibo si Pinoy gymnasts Carlos Edriel Yulo sa kaniyang natatanging ipinamalas matapos na manguna sa men’s final floor exercise kaya nakapag-uwi ng gintong medalya mula sa Paris Olympics 2024.

Ito ang nabatid kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez na pinapurihan si Yulo na sinabi nitong isang ‘sports hero’ at ‘national treasure ‘ ng bansa.

Ayon kay Romualdez,ang makasaysayang tagumpay ni Yulo, na naghatid ng unang gintong Olympic medal sa Pilipinas sa larangan ng gymnastics at ikalawang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics ay isa umanong simbolo ng hindi natitinag na diwa at ang katatagan ng mga Pilipino.

Bago tumulak ang mga atleta sa Paris Olympics, nagpaabot ng tulong pinansyal si Speaker Romualdez sa 22 atleta na kakatawan sa Pilipinas sa naturang kumpetisyon.

Pinangunahan din ni Speaker Romualdez ang isang fundraising campaign sa Kamara para madagdagan ang cash incentives para kay Yulo na gagawaran din ng congressional medal.

Bukod sa P3 milyong ibibigay sa makaka-gintong medalya, ang Kamara ay magbibigay ng P2 milyon sa mananalo ng silver at P1 milyon sa mananalo ng bronze.

Ang Filipina boxer na si Aira Villegas, na nag-ugat sa Tacloban City, ay nakatitiyak na makapag-uuwi na ng medalya matapos talunin si Wassila Lkhadiri ng France sa women’s 50kg quarterfinals.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with