^

Police Metro

Naarestong espiyang Chinese, dadagdagan ng kaso

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Naarestong espiyang Chinese, dadagdagan ng kaso
Ayon kay CIDG Director Police Major General Leo Francisco, kabilang sa isasampang kaso laban sa Chinese national na si Yuhang Liu ay ang Illegal Interception and misuse of device na paglabag sa Cybercrime prevention act of 2012.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Nakatakdang sampahan ng karagdagang kaso ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang naarestong Chinese national na pinaghihinalaang spy dahil sa nadiskubreng libu-libong kahina-hinalang larawan, video, audio, applications, data base, call logs at iba pang file documents sa kanyang gadget.

Ayon kay CIDG Director Police Major General Leo Francisco, kabilang sa isasampang kaso laban sa Chinese national na si Yuhang Liu ay ang Illegal Interception and misuse of device na paglabag sa Cybercrime prevention act of 2012.

Nasampahan pa lang ng mga kasong grave threat at illegal possession of firearms ang suspek matapos itong manutok ng baril noong Mayo sa Makati City.

Sa ngayon, tumanggi muna ang CIDG na magbigay ng ibang detalye ukol sa inilabas na report ng digital forensic exa­mination na ginawa ng Anti-Cybercrime Group.

Samantala, itinutu­ring naman ng PNP na ‘security concern’ ang nadiskub­reng files sa gamit ni Liu na pinaniniwalaang spy ng China ayon naman kay PNP Public Information Office Chief PCol Jean Fajardo.

vuukle comment

ARRESTED

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with